Sunday, July 31, 2011

ano na nangyari sa pinas?

Ano na nga ba ang nangyari sa pinas?

kung ibabase mo sa makikita at mapapanood mo sa t.v eh parang normal lng. eh kasi nga nman halos
araw - araw ganun at ganon pa rin naman.. kaya ang iniisip natin normal lang yon, ganun talaga
ano pa nga ba ang bago? maliban sa kabi kabilang kurapstyon, hinde mapigil na pagtaas ng mga
bilihin lalo na ng langis, pagtaas ng bilang mga krimen lalo na nung mga karudumal at kung ano
ano pa na nagpapalala ng sitwasyon ng pilipinas bilang isang bansa. ano bang bago maliban
sa mga kwento ni marc logan hehe.

nakakalungkot isipin na tatlo sa sampung kababayan natin ang ngugutom o isang beses lng kumain sa isang
araw. ok lang sana at mauunawaan ko to kung di ko lang nababalitaan ang kaliwat kanang nakawan sa
kaban ng bayan. tulad na lang ng 1 billion halaga na kape ng PAGCOR para sa mga parukyano nitong wala
cgurong magawa sa pera. pwede sana itong gawing pondo para sa mga street children na nagugutom. ang
milyon milyong energy drink. pwde sana itong pampalubag loob sa ating masisipag na atleta na kahit
ata tubig eh di nila mabigyan. tulad na lng ng dragon boat team na minsan na ring naghatid ng
karangalan sa pilipinas naka tsinelas lang kaya ung iba sa kanila habang nag tra training. ang overpricing at  bil yong pabaon issue sa mga matatas na opisyan ng AFP. na
pwede sanang gamitin sa modernisasyon ng ating sandatahang lakas. di cguro tayo binu bully ng
china ngayon at wla cgurong sundalong magbubuwis ng buhay dahil sa kulang na intelligence fund,
mahina at palyadong gamit nung isang araw lang 7 nanamang marines ang namatay sa kamay ng Abu sayf. ilan lang ito sa mga tambak na kaso ng ng mga dapat pa bang sabihing
kaduda duda o hayagang panloloko sa mga taong dapat sanay naglilingkod ng tapat ayon na rin sa
kanilang sinumpaang tunkulin. pero wag mag alala may kakampi tayo sa taas. ang senado haha!


ano na nga palang nangyari sa mga kasong inimbestigahan ng senado? meron bang nasampolan maliban
sa mga taong na force eviction dahil lamang sa pagtawa na ikinagalit ng isang senador. uhm wala
akong matandaan eh.. ang natatandaan ko lng eh. ang laging delayed o pag postpone ng mga
imbestigasyon dahil sa di pagsipot ng mga taong inimbestigahan sa kdahilanang may hypertension
at kung ano ano pang mga sakit. di ba sila kayang pagalingin ng pera nila? at ito pa pla ang
walang kamatayang "I EXERCISE MY RIGHT OF PRIVACY" ba un? sory pero parang ganun ang tunog eh. nak ng tokwa naman kaya rin naman sabihin yan ng mga snatcher sa cubao ah. ung iba nga nakukulong
ng walang kasalanan haist.well alam naman natin kung ano ang pinagkaiba ng una sa huli. wla clang
perang pantapal, wla cla maimpluwensyang pamilay na pang padrino at wala clang mga abugadong
"de campanilla" na kayang hanapan ng butas ang batas. ganyan ang demokrasya sa pinas! buti pa
cgurong si marcos na lng nanatili sa pwesto. sabihin na nating kuarakot nga sya at mahigpit pero
atleast alam natin cya lng gumagawa nun dahil walang gustong o mglakas loob na mangurakot dahil
alam nilang may kalalagyan cla. pero ngayon ulitimo barangay tanod currupt na! cguro tama nga
anak nya edsa 1 is a failed. oo isa ito sa mga di malilimutang pangyayari sa ating bansa at
maipagmamalaki sa mundo. pero anong nangyari pagkatapos ng edsa 1. lalo lng dumami ang naghihirap
sa ting bansa dumami ang kurakot at mga pasaway na pilipino nawala na sa atin ang takot
pero di naman dapat na mawala din satin ang disiplina. di naman kaya sumobra na tayo sa
demokrasya? na umabot sa puntong kahit simpleng batas ay di na natin sinusunod gaya ng pagtawid
sa tamang tawiran at pagtapon ng basura sa tamang lugar kc nga malaya na tau meron na tayong
karapatan. para taung mga grade 1 pupil na nkawala mula sa nakakatakot na titser. pero di ko
naman nilalahat karimihan lng tlaga satin ganito. sbi nila natural lng dw un sa isang bansang
nagbago ng form of governance hehehe.. pero masyado ng matagal ang 25 years para makarekober mula
sa diktatorya.


minsan tuloy gusto ko na ring mg abroad at kung bibigyan ng pagkakataon don na lng tumira..
ano nga ba namang sinabi ng minimum na 12000 pesos sa 30 thousand pesos o mas malaki pa
per month bilang isang skilled worker.. kaya lng wlang offer eh.. hehe.. di naman ako nwawalan ng pag asa
inaasam ko lng na sana hinde ganitong klaseng pilipinas ang masisilayan ng mga magiging anak ko at mga apo..(yun ay kung magkaka asawa pa ko hehe but dats another store)
ito po ay isang lamang perception galing sa isang karaniwang citizen/empleyado na nagbabayad
ng napakalaking tax...  maawa naman kayo. sabi nga sa isang kanta... wag masyadong halata...moderate ur greed

No comments:

Post a Comment